deposit

200303 tulong kabayan 01

 

Naganap ang isang malaking kalamidad na gumulantang sa buong bansa dala ng pagputok ng Bulkang Taal sa probinsya ng Batangas. Isang pagsubok ang humamon sa katatagan at kabayanihan ng mga Batangenyo. Enero 12, 2020 araw ng Linggo, maaliwalas ang panahon at payapa ang paligid. Sa katanghaliang tapat, biglang nagkausok ang bulkan hanggang sa tuluyan nang nagbuga ng makakapal at maiitim na usok ang bulkan at nagbabadya ng isang malakas na pagsabog. Mabilis na nagsilikas na ang mga tao lalo’t higit ang mga naninirahan sa paanan ng bulkan, at sumunod na ang mga bayan at barangay na nasasakupan ng tinatawag na 14 kilometer – danger zone. Ang karamihan ay dinala sa mga paaralan bilang evacuation centers at ang ilan naman ay tumuloy sa bahay ng kani-kanilang mga kamag-anak.

Ang mga nagsilikas ay Puno ng takot at pangamba sa posibleng pagkawala ng mga buhay, mga kabuhayan at mga ari-arian at sa kawalan ng katiyakan kung kelan sila muling makakabalik sa kanilang mga sari-sariling tahanan. Sa mga evacuation centers at sa mga evacuation houses, nagpipilit maging panatag at masaya, ngunit mababanaag mo ang lungkot sa kanilang mga mata ang hirap at mga pasanin sa buhay na kanilang dinadala.

200303 tulong kabayan 02

Sa kabila ng matinding hamon, hindi naman natinag ang mga may magagandang-loob at may busilak na puso sa pagtulong at pagdamay sa mga nasalanta ng bulkan. Umiral ang bayanihan at kagitingan ng maraming mga tao at mga organisasyon, maging pribado man o gobyerno. Tanda na ang malasakit at kawanggawa sa kapwa ay isang mabisang armas upang maibsan ang pagsubok na dinadala.

200303 tulong kabayan 03

Ang Bangko Kabayan Inc. at ang BK Foundation ang isa sa unang nagpahatid ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkan. Sa mga empleyadong apektado, nagkaloob kaagad ang pamunuan ng pinansyal na suporta para sa pang-araw-araw na gastos. Namigay din ng relief goods sa mga evacuation centers at evacuation houses ang bangko. Malaki ang pasasalamat ng mga evacuees dahil naramdaman nila ang kalinga at pagmamahal ng BK. Gayundin sa mga kapwa empleyado ng BK na tumulong din, nag-alay ng panalangin, at nagbigay ng lakas ng loob na manatiling positibo sa kabila ng problema.

Bagamat marami ang nasalanta at naapektuhan sa pagputok ng bulkan, marahil masasabi pa rin na isang magandang karanasan ang nangyaring kalamidad. Naipamalas ng mga Batangueño ang bayanihan, umiral ang pagtutulungan at nasukat ang malasakit sa isat-isa. Higit sa lahat, tumibay angpananampalataya sa taas anumang pagsubok ang dumaan sa buhay ay kayang lampasan manatili lamang na positibo, may lakas ng loob at may pananalig sa Diyos.

Mga Kabayan, basta handa tayong tumulong, kaya nating bumangon!!!

 

Price Transparency

mf transparency sealBangko Kabayan received the official Seal of Transparency as a symbol of its commitment to fair and transparent pricing.

Learn More

Consumer Protection

consumer protectionAs a consumer of our financial products and services, we aim to provide you with the highest quality of service possible.

Learn More

NPC Seal of Registration

consumer protectionBangko Kabayan has been granted the NPC Seal of Registration in recognition of the successful registration of its DPO and DPS.

Learn More