"Ang Bangko Kabayan ang aking inspirasyon sa patuloy na pagtulong sa kapwa." – Crisanto B. Sevilla, 14 taong naglilikod sa Bangko Kabayan.
Pagiging Bahagi ng Bangko Kabayan
"Nung bagong pasok pa lang ako sa Bangko Kabayan, hindi nila pinaramdam sakin na galing ako sa ibang kumpanya. Malayo ako dati sa pamilya ko, pero dahil mainit ang pagtrato sa akin, naramdaman kong hindi ako nag-iisa."
Taong 2005, nang mabili ng Bangko Kabayan ang Banco de Jesus sa Velenzuela, Matero Manila. Isa siya sa mga empleyadong mapalad na na-absorb ng BK at bilang noo’y janitor/messenger pa lamang, pinakita niya ang kanyang dedikasyon sa trabaho. Nagsilbing inspirasyon at motibasyon niya ang nalayong pamilya upang pagbutihin pa lalo ang kanyang trabaho.
Si Cris at Ang Bangko Kabayan
"Ngayon, apat na sa aming mga kapitbahay na walang pinagkakakitaan ang natulungan naming makahanap ng trabaho. Hindi man nila maibalik sa amin directly ang tulong, may kakayahan na rin silang makatulong sa iba."
Malaki ang naitulong ng Bangko Kabayan hindi lang kay Cris kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Nakapag-tapos siya ng pag-aaral sa kursong Financial Management, napag-aaral niya ang kanyang mga anak at higit sa lahat nakapag-pundar siya ng maliit lupa’t bahay para sa kanyang pamilya.
Dahil sa tulong na naipaabot sa kanila ng Bangko Kabayan, ang BK ang kanyang naging inspirasyon sa patuloy na pagtulong at pagbabahagi sa kapwa na hindi naghihintay ng kapalit. Isang aral na natutunan niya na babaunin niya hanggang sa kanyang pagtanda.
Kinabukasan Kasama ang BK
Sa ngayon, si Cris ay bahagi ng ROPA Department bilang ROPA Documentation Officer. Patuloy na nagsusumikap at pinagbubuti ang trabahong inaatas sa kanya sa abot ng kanyang makakaya. Patuloy na nagbabahagi kasama ang kanyang pamilya at ang Bangko Kabayan na siyang naging kaagapay niya noon hanggang sa ngayon.