deposit

190726 tapat 01

"Ang paglilingkod ay hindi sa laki ng kikitain, kundi sa laki ng iyong maibabahagi."

Ito ay mga katagang nasambit ni Rommel Agravante, isang empleyado ng Bangko Kabayan na tapat na naglilingkod sa loob ng mahigit labin limang (15)taon.

Simula ng Pangarap

Setyembre 2004,katatapos pa lamang niya ng vocational course at tamang naghahanap ng trabaho nang mahikayat siyang mag-apply sa Bangko Kabayan. Natanggap siya bilang Messenger/Janitor at naging ganap na regular na empleyado sa mismong araw ng kanyang kaarawan noong ika-26 ng Marso 2005. Dahil na rin sa kanyang pinakitang dedikasyon sa bawat i-atas sa kanya, pinag katiwalaan siya ng humawak ng iba’t ibang posisyon gaya ng Courier (2008), Registry Staff (2010), Credit Investigator (2014) at ngayon ay isa ng Senior Appraiser ng bangko.

Hindi naging madali ang pag kamit sa pangarap na ito, ngunit ang nag silbing sandigan at inspirasyon niya upang marating ang kinaroroonan niya ngayon ay ang kanyang pamilya at ang masayang samahang na buo sa loob ng Bangko Kabayan.

190726 tapat 02

Si Rommel at ang Bangko Kabayan

Naging malaking bahagi ng buhay ni Rommel ang Bangko Kabayan. Sa loob ng labin limang (15) taon, naging katuwang niya ang bangko upang matustusan ang pinansyal na pangangailangan ng kanyang pamilya. Bukod dito, natulungan din siya ng mapalago at mapa-unlad ang kanyang kumpiyansa sa sarili sa pamamagitan ng mga seminars at pagsasanay na ipinagkakaloob sa mga empleyado nito.

Taong 2014, nakapag tapos siya ng kursong BSBA Financial Management sa ilalim ng pr ogramang “Study Now, Pay Later” ng bangko at ito ang naging tulay upang pagkatiwalaan siya sa mas mataas na posisyon.

Dahil sa kanyang pagsisikap at dedikasyon, isa siya sa ginawaran ng Bangko Kabayan ng “Dahil Sa’yo, Inspired Ako” Award noong taong 2017. Ang parangal na ito ay ibinibigay sa mga natatanging empleyadong nag sisilbi ng inspirasyon sa kanilang kapwa empleyado. Hindi niya lubos akalain na ang mga normal na gawain niya sa pang araw-araw ay may dulot palang magandang epekto sa iba.

Pagmamahal saTrabaho

Sa kabila ng katotohanang ang mga empleyado ay nag tatrabaho para kumita upang matustusan ang kani-kanilang mga pangangailan, naging motibasyon din ni Rommel ang makapaglingkod sa kapwa,lalung-lalo na sa mga kliyenteng kanyang nakakasalamuha. Masaya umanong isipin na naging bahagi siya ng pagunlad ng kanilang mga hanapbuhay.

“Dapat nating mahalin ang ating trabaho. Ang paglilingkod ay hindi salaki ng kinikita, kundi salaki ng ating nababahagi sa ating kapwa.”

Hangad niya sa kapwa empleyado na mahalin ang kani-kanilang trabaho dahil hindi lang sa laki ng sweldo o taas ng posisyon na nanatili ang isang empleyado kundi sa saya ng naidudulot nito sa kanyang pagkatao.

 

 

Price Transparency

mf transparency sealBangko Kabayan received the official Seal of Transparency as a symbol of its commitment to fair and transparent pricing.

Learn More

Consumer Protection

consumer protectionAs a consumer of our financial products and services, we aim to provide you with the highest quality of service possible.

Learn More

NPC Seal of Registration

consumer protectionBangko Kabayan has been granted the NPC Seal of Registration in recognition of the successful registration of its DPO and DPS.

Learn More