“Makatulong sa kapwa magsasaka” yan ang isa sa mga dedikasyon ni Ginoong Angelito Mendoza, 51, tubong Manggalang, Sariaya, Quezon.
Pagsasaka na ang kinagisnan niya simula pagkabata hanggang siya ay makatapos ng dalawang taon sa kolehiyo sa kursong Electronics.Siya ay nag simulang magsarili sa pagtatanim noong 1993 nang siya ay mapamanahan ng kanyang mga magulang ng 3,000sq.m. na lupa.
Katuwang niya sa pagpapaunlad ng sakahan ang kanyang may bahay na si Ginang Estrella Mendoza at ang apat nilang mga anak. Kada siklo ng panahon iba’t-iba ang kanyang itinatanim tulad ng palay, ampalaya, sitaw, sili, papaya, kamatis at iba pa.
Taglay na Kaalaman at Pagsisikap
Malayo man sakurso ng Electronics ang paghahalaman,hindi ito naging hadlang kay Angelito upang mapaunlad ang kanyang kaalalaman sa pagsasaka. Naging bahagi siya ng iba’t-ibang samahan ng magsasakatulad ng Farmers Association at SIPag SARIAYA (Samahan sa Industriya ng Paggugulayan sa Sariaya). Matiyaga niyang pinag-aralan kung papaano niya mapapaganda at mapapalaki ang kanyang mga pananim na gulay. Dumadalo din siya sa iba’t-ibang seminar at pagsasanay na isinasagawa ng ilang sangay ng gobyerno. Sa kanyang pagsisikap,nakamit niya ang iba’t-ibang parangal katulad nalamang ng 35 Farmer-Heroes of East-West Seed sa Region 4 at Outstanding High Value Crops Farmer noong 2017. Napili din siya na dumalo sa pagsasanay na ginanap ng FIVPS Technology sa Tokyo at Nagano Japan noong 2018. Siya din ang kauna-unahang magsasaka na pinagkalooban ng Department of Agriculture ng Solar Pump dahil sa dedikasyon nito sa pagtatanim.
Si Angelito at ang Bangko Kabayan
Nakilala ni Angelito ang Bangko Kabayan noong 2012 nang nais niyang palakihin ang kanyang lupang pinag sasakahan. Ginamit niya ang perang na hiram upang maipandagdag sa pagbili ng lupang sakahan at mga binhi na siyang itatanim dito. Nagtuloy-tuloy sa panghihiram si Angelito hanggang sa umabot siya sa ika-12 siklo. Sa pamamagitan ng pagsasaka at patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Bangko Kabayan, napag-aral niya ang kanyang mga anak at natulungan silang makapagtayo ng sarili nilang taniman.
Pagharap sa hamon ng buhay
Lumago man ang taniman ni Angelito, marami din siyang pagsubok na pinag daanan. Hindi mawawala dito ang kalamidad na bunga ng "global warming." Saka sagsagan ng bagyong Yolanda noong taong 2013, naapektuha nang kalahati ng kanyang pananim dahil na lunod ang mga ito sa dami ng ulan na naidulot ng bagyo. Nag papasalamat pa rin siya sa Maykapal dahil nalugi man siya ng kaunti ay hindi lahat ng pananim ay nasira. Kaya naman sa tuwing nagbabadya ang panahon ay pinag hahandaan na agad niya ito upang maiwasan na muling maulit ang pagkasira at pagkalunod ng kanyang mga pananim.
Nakaranas din siyang malugi sa pagbebenta ng kanyang mga pananim. Napilitan siyang ibaba sa kalahati ang presyo ng kaniyang mga na aning gulay dahil tanging mga private traders lamang ang namimili ng mga ito. Nang magkaroon ng Sentro ng pamilihan sa bayan ng Sariaya, ay doon na niya ipinagbenta ang kanyang mga gulay. At bilang kasapi nito, naibebenta niya ang kanyang mga pananim sa tamang presyo at nabigyan din siya ng pagkakataon na makapag ipon.
Pag tulong sa kapwa Magsasaka
Si Angelito ay tunay namapagbigay na tao. Marami ang humahanga sa kaniyang mga adhikain at angking galing. At dahil sa kanyang dedikasyong matuto at makatulong, siya ay naging pangulong Farmers Association sa kanilang lugar. Ngayong taon ay nahalal din siya bilang pangulo ng SIpag Sariaya.
Sa pamumuno niya sa dalawang samahang ito, sinisiguro niyang lahat ng nakukuhang benepisyo ng organisasyon mula sa Department of Agriculture ay naipapamahagi niya sa kanyang mga kasamahan ng pantay-pantay. Nag sasagawa din siya ng mga pagpupulong kung saan ibinabahagi niya ang kanyang natutunan sa mga seminar na kanyang dinaluhan.
Si Ginoong Angelito Mendoza ay isang masipag na magsasaka at katangi-tanging pinuno ng samahan.