deposit

190425 negosyanteng lider

 

Si Ginang Evelinda Briones, 63, ina, negosyante at lider ng Barangay Lapo-lapo 2nd, San Jose, Batangas.

“Dedikasyon at pagsusumikap,”yan ang naging puhunan ni Gng. Briones upang makapagtapos sa kolehiyo. Siya ay nag trabaho para sa kanyang nakatatandang kapatid bilang tindera at tagapag linis ng bahay sa Makati, kapalit ang kanyang matrikula at baon sa pagpasok. Siya ay nakapagtapos ng dalawang taon sa Ortanez University at nakapasa sa licensure exam ng Midwifery. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral at kumuha ng kursong pre-dental medicine sa University of the East, at nang maka dalawang taon ay lumipat sa kursong BS in Marketing noong 1981.

Dekalidad at Pag-unlad

“Isa akong registered midwife kaso ayaw ko naman sa hospital kaya namasukan ako bilang Coordinator/Merchandiser sa kompanyang Wency Garments,”sambit ni Ginang Briones.

Nagsimula bilang isang merchandiser sa isang tahian sa Maynila na kung saan humawak siya ng mahigit na 70 subkontraktor. Sumusuweldo lamang siya ng halagang Php 45.00 kada araw. Masipag at may tiyaga sa trabaho si Gng. Briones kaya naman nakuha niya ang tiwala at paghanga ng kanyang amo.

Nagkaroon ng ideya at interes na mag tayo ng sariling negosyo siGng. Briones dahil na laman niya na malaki ang kinikita sa industriya ng garments. Namaalam siya sa kanyang boss at dahil sa magandang samahan na nabuo sa pagitan ng kanyang amo ay tinulungan siya nito sa pamamagitan ng pagpapahiram ng limang (5) makinarya. Nagkalakas siya ng loob para simulan at pag planuhan ang negosyong kanyang pinapangarap.

Bitbit ni Gng. Briones ang determinasyon, positibong pananaw sa buhay, karanasan na kanyang natutunan sa kumpanyang pinag trabahuhan at paniniwala sa Panginoon, sinimulan niyang itayo ang “VESJA Apparel” sa tabi ng kanilang bahay sa Merville Road sa Paranaque noong 1994. Nagsimula siyang mag deliver ng mga tahing pantalon sa kanyang dating amo. Dahil sa lakas ng loob at determinasyong umasenso, hiniram ni Gng. Briones ang van ng dating kumpanya na kanyang pinag trabahuhan upang makapag deliver ng mga tahi sa ilang parte ng Laguna at Maynila particular sa West Bay Apparel at Western Garments na syang nagsusuplay ng tahi sa Osh KoshB’Gosh at Levi’s.

Pagharap sa hamon ng buhay

Madaming mga pagsubok ang kanyang pinagdaanan lalo na pagdating sa pamilya. Noong 1998,ang kanyang asawa na isang pulis ay itinakda sa Kampo Krame sa Batangas City kaya naman nagdesisyon sila namagtayo ng sariling bahay at mamalagi sa Lapo-Lapo, San Jose, Batangas. Noong 2003, ang tahian ni Gng. Briones ay kinailangang sumunod sa factory requirements ng Levi’s. Dahil sa magandang samahang nabuo sa pagitan ni na Gng. Briones at West Bay Apparel,tinulungan siya nito sa pinansyal at teknikal na pangangailangan para sa kontrata nila sa Levis.

Sa kalagitnaan ng taong 2006 hanggang 2008 bumaba ang kalidad ng produkto ng local na damit dahil sa lumalagongindustriya ng international brands ng China. Kasabay nito ang pagkakaroon ni Gng. Briones ng colon cancer na naging dahilan ng kanyang pagpapaopera noong 2007. Isa siyang cancer survivor. Lakas loob niyang nilabanan ang kanyang sakit sa dahilang marami ang umaasa at naghihintay ng kanyang paggaling. Dahil sapaghina ng negosyo at sa malaking gastusin sa kanyang pagpapagamot, naisipan ni Gng. Briones na ipasara ang kanyang negosyo. Ngunit isang tawag ang kanyang natanggap mula sa dati niyang customer na kumukuha ng kanyang mga tahing pantalon at damit. Interesado muli itong kumuha ng kanyang mga produkto. Dahil sa kalidad ng kanyang mga produkto ay mas lalo pang dumami ang kanyang mga kliyente, bukod sa Levis at West Bay Apparel,sakaniyana din kumukuha ng supply ang RRJ, JAG at Dickies.

190425 negosyanteng lider 2

Si Ginang Briones at ang Bangko Kabayan

Nakilala ni Gng. Briones ang Bangko Kabayan noong 2014 sa panahon nalumalago ang kanyang negosyo at dumarami ang kliyente na kanyang sinusuplayan ng produkto. Nahikayat siyang mangutang pangdagdag puhunan. Ginamit niya ang perang nahiram para makabili ng dagdag makinarya at tela para mas mapabilis pa ang produksyon ng kanyang mga produkto. Nagtuloy-tuloy sa panghihiram si Gng. Briones hanggang sa umabot siya sa ika-8 siklo ng pag-utang. Maganda ang naging resulta ng pag-utang ni Gng. Briones sa Bangko Kabayan. Bukod sa mas napalago niya ang garments business ay nagkaroon pa siya ng mga alagang baboy at manok na napag kukunan nya ng pang-pasweldo sa kanyang mga tauhan at pambayad utang sa bangko sakaling hindi kaagad makabayad ang kanyang mga kliyente.

Noong 2018, isa si Gng. Briones sa napili ng Bangko Kabayan na lumahok sa 2018 Citi Microentrepreneurship Awards (CMA), ito ay pang kalahatang paghahanap ng mga nangunguna at natatanging negosyante sa buong Pilipinas. Hindi man siya pinalad na makamit ang nasabing parangal, lubos pa rin siyang nagpapasalamat sa Bangko Kabayan dahil sa oportunidad na ibinigay nito upang mas makilala ang kanyang negosyo hindi lamang sa Batangas.

Isang Negosyante at Leader

Si Gng. Briones ay tinaguriang “wonder mom” sa kanilang lugar. Bukod sa pagiging ilaw ng tahanan at huwarang negosyante, nagsilbi din siya bilang Kapitana sa kanilang barangay.

Sa kasalukuyan, si Gng. Briones ay mayroong 30 tauhang naninirahan sakanya. Nagpatayo siya ng isang apartment type na bahay para sa mga ito. Natapos man ang kanyang termino bilang Kapitana, patuloy pa rin siyang tumutulong at dumadalangin sa Maykapal para sapag-unlad ng kanilang barangay.

Si Ginang Evelinda Briones, isang huwaran at natatanging lider at negosyante.

 

 

Price Transparency

mf transparency sealBangko Kabayan received the official Seal of Transparency as a symbol of its commitment to fair and transparent pricing.

Learn More

Consumer Protection

consumer protectionAs a consumer of our financial products and services, we aim to provide you with the highest quality of service possible.

Learn More

NPC Seal of Registration

consumer protectionBangko Kabayan has been granted the NPC Seal of Registration in recognition of the successful registration of its DPO and DPS.

Learn More