deposit

191225 outreach 2019 01

Isa sa magagandang Christmas Song ay ang “Tuloy na Tuloy Pa Rin ang Pasko” ng Apo Hiking Society. Ngunit minsan sa hirap nga naman ng buhay, makukuha mo pa bang magbigay?

Hindi naging hadlang ang taas ng bilihin upang ipagpatuloy ang nakagawian ng Bangko Kabayan na annual Christmas Outreach nitong nakaraang Disyembre 2019.

Ngayong taong ito, ang mga sangay at empleyado ay naghatid ng ligaya at nagbahagi ng biyaya sa mga kapus-palad nating mga kababayan.

191225 outreach 2019 02

Ang ilan ay nangarolling sa iba’t-ibang lugar kagaya ng Gumaca,Quezon, Lobo at San Juan, Batangas at Nagcarlan, Laguna ngunit kabaligtaran sa tradisyunal na caroling kung saan ang nangangarolling ang umaasa ng regalo, ang mga empleyado ng BK ang siyang nagbigay ng regalo sa mga binisita nila.

Naghatid din ng saya ang iba pang mga empleyado ng Bangko Kabayan sa pamamagitan ng Christmas party para sa mga indigent and SPED Students, Garbage Collectors and Street Sweepers, PWD at mga construction workers. Sila ay nakilaro, nakipag-awitan, at nagbigay ng iba’t ibang klase ng regalo kagaya ng bigas at groceries sa mga piling mamamayan sa iba’t ibang dako ng Ibaan, Tiaong, Rosario, Calatagan, Talisay, Atimonan at San Jose.

191225 outreach 2019 03

Grooming packages naman ang tinanggap ng mga Senior Citizens sa Lemery, Agoncillo at Calaca.

Hangarin ng Bangko Kabayan na patuloy na samahan ang ating mga kababayan tungo sa pag-unlad habang inaalagaan ang kalikasan kaya naman ang Pagsanjan branch ay nagtulong-tulong upang mag-construct ng pathway sa Brgy. Balubad Lumban, Laguna gamit ang mga eco-bricks. Dahil sa bagong pathway na ito, 50 pamilya ang hindi na mahihirapang pumunta sa bayan ng Laguna.

191225 outreach 2019 04

Diyos ang nagsimula ng pagbibigay noong unang Pasko, kung saan ay ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Hesukristo at ang diwang ito ng pasko sa nanatiling buhay sa bagong henerasyon kasama ang Bangko Kabayan Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

 

 

Price Transparency

mf transparency sealBangko Kabayan received the official Seal of Transparency as a symbol of its commitment to fair and transparent pricing.

Learn More

Consumer Protection

consumer protectionAs a consumer of our financial products and services, we aim to provide you with the highest quality of service possible.

Learn More

NPC Seal of Registration

consumer protectionBangko Kabayan has been granted the NPC Seal of Registration in recognition of the successful registration of its DPO and DPS.

Learn More